top of page

Ihapot Ki Attorney

  • Jan 24
  • 2 min read

Atty. Paolo Tolentino


Cancelled Wedding: May Pananagutan ba ang Pamilya ng Groom?


Hi po Atty.,


Good day po at Happy New Year!


Pakiusap po, itago ang aking pagkakakilanlan kung sakaling ipost niyo po ang kwento ko. Nakita ko po ang post niyo sa Facebook kaya nagdesisyon po akong humingi ng tulong.


Gusto ko pong itanong kung may kaso po ba kung ikansela ng pamilya ng lalaki ang kasal namin dahil lang sa personal nilang dahilan—ayaw po nila sa akin dahil hindi raw ako magaling makihalubilo at madalas na wala sa okasyon.


Gumastos na rin po ako sa kasal, marami nang na-invite at nakapagbigay ng regalo, at nailakad na rin ang mga papeles pero dahil sa ayaw ng kanyang mga magulang, kinansel po nila ang kasal ng di ko alam. Hindi na siya muling nag-follow up at hindi rin humingi ng tawad sa pamilya ko.


Dahil dito, nakaranas po ako ng matinding stress at depression—naging dahilan pa ito para dalhin ako sa ER at kumonsulta sa psychometrician (isang beses lang, walang diagnosis). Gusto po ng pamilya ko na magkaroon ng kaso laban sa kanila.


Pwede po ba akong magkaroon ng legal na hakbang laban sa pamilya ng ex ko? Ano po ang dapat kong gawin?


Maraming salamat po at more power to your advocacy to help.

---

Sa batas natin, ang tinatawag na “breach of promise to marry” o hindi pagtuloy sa nakatakdang kasal ay hindi pwde maging siya mismong basehan ng kaso o claim laban doon sa nagkansela ng kasal. Ito ay dahil ang kasal ay voluntary o kusang-loob na desisyon sa parehong partido.


Pero kung ang pakakasalan ay nagkaroon ng damages o danyos dahil sa hindi natuloy na kasal, halimbawa mga binayaran na gastos, regalo o ibang bagay na binili o binayaran kaugnay ng kasal, pwde itong maging basehan ng kaso upang mabawi o pagbayarin ang taong nag-cancel ng kasal. Pwde mo maging basehan ng claim mo para sa reimbursement o payment ang mga nagastos mo.


Pwdeng magsampa ng civil case for damages, at ang basehan nito ay ang mga probisyon sa Civil Code, kasama ang Art. 21 at 2176 lalo na kung may nangyaring panglilinlang o sinadya ng ex-boyfriend mo na saktan o ipahiya ka, o kaya ang ginawa niya ay hindi sang-ayon sa tinatawag na “morals, good customs or public policy” na mayroon tayo.


Kung may mga katanungan, mag email sa ihapotkiattorney@gmail.com.

Comments


bottom of page